Upang labanan ang sakit na Polio, sinusuportahan ng St. Elizabeth Hospital ang “Sabayang Patak Kontra Polio” sa pamamagitan ng pag-alok ng isang LIBRENG pagbabakuna ng Polio para sa mga batang wala pang 5 taong gulang simula ngayong araw, Nobyembre 25, 2019 hanggang Disyembre 07, 2019 at sa Enero 06, 2020 hanggang Enero 18, 2020 mula 7:00 AM – 7:00 PM sa St. Elizabeth Hospital Primary Care Center.

Sama-sama nating labanan ang Polio sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng inyong mga anak mula sa nakakahawang sakit na ito.